Disclaimer:
This article is
purely base on author’s personal experience in her everyday commuting to work.
I did not intend to offend any person in this writings. This is made for
entertainment only. Read at your own risks. Haha.
---------------------------------------------------
Sa
panahon ngayon, halos araw-araw nalang nababalita ang trapik sa Metro Manila
lalung-lalo na sa kahabaan ng EDSA. Yung tipong halos maubos mo na ang playlist
mo sa cellphone, halos maabutan mo na ang sarili mong top score sa laro mo sa
tablet at natuyo na ang buhok mo sa haba ng byahe mula C5 hanggang Pasay. Kung
isa ka sa mga commuters na dumadaan dito mula Lunes hanggang Biyernes, relate
ka sa article na to…at maaari ring isa ka sa mga commuters na to. Haha!
The
Sleeping Giant Commuter
This
is of two types; una, yung mahimbing ang tulog sa byahe na halatang halos
walang tulog nung gabi dahil sa kakaparty kahit di pa weekend, may insomnia, ginawang tubig ang kape , naglaro lang ng COC
(Clash of Clans) o trip mo lang talagang magpuyat. Kung isa ka sa mga tulog sa
byahe na may kasama pang paghihik, anuman ang dahilan mo kung bakit tulog ka,
belong ka sa uri ng commuter na to. Isa kang tunay na nocturnal mammal.
Pangalawang
uri ng commuter na to ay yung di naman talaga tulog, trip niya lang
magtulug-tulugan habang bumabyahe. Madalas nakikita to sa mga pampasaherong bus
kung saan malaki ang tsansa mong nakatayo ka mula Novaliches hanggang Taft lalo
na kung rush hour. Karamihan sa mga uri ng commuter na to ay mga lalaki na
kunwari tulog para di sila maagawan ng upuan ng babaeng kanina pa nakatayo sa
tapat nila. Kung isa ka sa mga ‘to at marami ka ng naloko sa pagkukunwari mong
tulog ka, isang malaking palakpakan para sa acting skills mo. Hahaha!
The
Perfume Hoarder Commuter
May
dalawang uri ng commuter ang perfume
hoarder; isang positive at isang negative. Positive ka kung isa ka sa mga
mababangong commuter; fresh at laging amoy bagong ligo, kasi ang mga kinolekta
mong pabango ay gamit-gamit mo. Isa kang biyaya sa isang mausok at mahabang
byahe sa EDSA.
Ngunit
kung belong ka sa negative na uri, please lang wag mo ko sabayan sa byahe. Sila
yung mga commuters na literal na kinolekta lang ang pabango, at ITINAGO.
Ginawang display sa mga cabinet at hinayaang magexpire. Sila yung mga commuters
na its either na literal na galit sa pabango (di man lang naisipan magpabango o
magdeo man lang) o yung galit na galit sa pabango (ginawang sabon at shampoo
ang pabango na halos mangapit-bahay na sa tapang ng amoy). Tandaan, lahat ng
sobra masama. Kung ikaw yung tipo ng commuter na amoy hapon na kahit umaga
palang, congrats belong ka sa team negative. Haha!
The
“I Woke Up Like This” Commuter
Kung
may perfume hoarder na di mo madetermine ang amoy, syempre may pinsan siyang
uri ng commuter at ito na nga ang “The I Woke Up Like This” commuter. Sila yung
mga tipo ng tao na pagbangon para bang di na nagawang magbihis o magsuklay man
lang bago pumasok sa trabaho o school. Belong ka sa group na to kung di ka
naliligo, nakalimutan mo magsuklay, kumain pero di nag-toothbrush, at di man
lang naghilamos. Aminin man natin o hindi, may mga nakakasabay tayong akala
natin ay nautusan lang ng nanay na bumili ng suka sa kanto at nakalimutan na
ata umuwi. Paalala lang, di masamang maglinis ng katawan at magmukhang
presentable lalo na kung makikisalamuha ka sa iba’t ibang uri ng tao at para di
ka narin mapagkamalang holdaper.
The
Rush Hour Buster
Kung
may mga taong pagbangon e mukhang umalis na agad ng bahay dahil sa mali-late
na, may mga tao naming ayaw na ayaw malate, na halos magliliwanag palang e nasa
byahe na kahit eight pa ng umaga nagbubukas ang opisina. Madalas sila din yung
inaantok-antok sa byahe at nakikitang tulog pag lunch time. Sabi nga nila ‘the
early bird catches the worm”… totoo nga naman, kasi pagdating mo sa opisina,
ikaw ang tagabukas ng ilaw at aircon; nauna ka pa sa mga janitors. Isa kang
huwarang manggagawa, sana lang ay gising ka maghapon at di ka natutulog sa
trabaho.
The
Musician
Isa ito
sa mga nakakaaliw na uri ng commuter sa Metro Manila; daig mo pa ang nanonood
ng live concert ng paborito mong banda. Madalas sila yung may mga nakapasak na
earphones o headset sa tenga na nakatodo ang volume. Kaya kung katabi mo siya,
alam na alam mo kung anong kanta ang nasa playlist niya. At hindi lang siya
basta sasabay sa playlist niya, aakalain mo din na may mga dala-dala siyang
drum set o kaya naman gitara na di natin nakikita dahil aakto siyang
nagdradrums at naggigitira. Nakakaaliw sila panoorin dahil aakalain mong may
sarili silang mundo at nananaginip siya nang gising na nagkoconcert siya sa
Araneta Coliseum. ‘Da best silang tabihan kung gusto mong maaliw buong byahe at
maki-soundtrip sa playlist niya. Kung ayaw mo ng malikot na katabi, sila ang
dapat mong iwasan.
The Newscaster
Kung
ayaw mo ng malikot na katabi pero gusto mo yung gising ka buong byahe, try mo
tumabi sa mga “Newscaster”; ito yung mga commuters na madadaldal at di
nauubusan ng kwento. Di mo namamalayan naikwento na niya ang buong buhay niya
sayo; mga nilaro niya noong bata pa siya, mga crushes niya na ni isa sa mga
pangalan na binanggit niya e wala ka naman talaga kilala, mga lugar na
pinuntahan niya, mga idolo niyang artista na malamang patay na ngayon, at mga
plano niya sa buhay. Sila yung umaga palang nag-uumapaw na sa enerhiya at sa
laway; mapapatanong ka nalang kung ilang bote ng energy drink ang nilaklak nila
sa umaga. Pero kung tahimik kang tao at gusto mo ng mapayapang byahe, iwasan mo
sila o kaya maging sleeping giant ka (magtulug-tulugan ka).
The Running Politician
Ito
yung mga tipo ng commuter na aakalain mong kakandidato sa pagkasenador dahil
panay ang ngiti at maaliwalas ang mukha; nakaka-good vibes sila makita sa umaga
lalo na kung masama ang gising mo, para bang pinapaalala nila sayo na wala ka
dapat ika-badtrip sa mundo. Pero may mga pagkakataong nakakaasar na din sila.
Nakakaasar kung ngiti sila ng ngiti kahit napakatraffic na sa EDSA at malilate
ka na, nakakaasar kung naapakan ka na nga pero nakangiti pa din sila,
nakakaasar kung plastik na yung ngiti nila; iilan lang yan sa mga dahilan kung bakit
nakakainis din sila minsan. Para bang pinaparamdam nila na badtrip ka at masama
gising mo tapos sila kala mo nanalo sa lotto. Edi wow!
The
Emo
Kung
may masasaya, syempre may mga malulungkot. Di man natin alam ang karamihan sa
mga dahilan nila, mahahalata naman sa mga ekspresyon ng mukha nila. Iilan sa
mga karaniwang dahilan ay tulad ng pagiging late nila dahil sa traffic, sawi sa
pag-ibig, at higit sa lahat problemang pinansyal. Pero madalas nakakaaliw
tignan ang mga commuters nila, dahil madalas na nakadungaw sila sa bintana ng
mga bus, feel na feel ang hangin na may kasamang polusyon at akala ata ay nasa
music video. Madalas silang malayo ang tingin kaya kung gusto mo ng tahimik na
buhay habang nasa byahe, tabihan mo sila.
The Untouchables
Kung
may mga taong accommodating masyado at feeling close na kayo sa byahe, may mga
tao naman pinaglihi sa galit. Sila yung tipo ng mga commuters na bawal masagi,
maapakan, mahawakan at minsan bawal ka dumaan sa harap, likod o gilid nila.
Sila yung maagang nakakapagpa-init ng ulo dahil kahit todo “excuse me po” ka
na, di sila gigilid para makadaan ka. Madalas silang mahirap makasabay sa
pampublikong bus kung saan tayuan, siksikan at halos magkapalit-palit na kayo
ng mukha sa sikip. Kapag sinabi na ng konduktor na “patagilid lang po ang daan”
o kaya naman “pakiurong lang po sa dulo maluwang pa”…. on cue sisimangot sila
dahil paniguradong masasagi sila o kaya maaapaka dahil kahit ipagtulakan mo pa
sila papunta sa dulo ng bus, kahit kalian di sila uurong kahit sa EDSA-Taft pa
naman talaga sila bababa. Magbaon ka ng maraming pasensya kasi madalas sila
nakikipagsagutan at nakikipagsigawan sa konduktor at sa kapwa commuter.
The
Beast Mode
Kung
sa tingin niyo malala na ang sapak ni “Untouchable”, may mas malala pa. Ito
yung mga uri ng commuters na aakalain mong pinaglihi sa sama ng loob; ni isang
ngiti wala kang makikita sa kanila. Daig pa nila ang may sampung-libong
problema. Matatakot kang tabihan sila kasi tingin palang nila nakakamatay na;
laging salubong ang kilay, nakasimangot, at mukhang isang kalabit mo lang ay
masasapak ka na. Sila yung tipo ng commuter na tanungin mo lang kung may
nakaupo na ba sa tabi nila ay sisigawan ka na. Ayoko sila makasabay sa byahe,
ayoko kasi mahawaan ng bad vibes. Yung feeling na ang saya ng gising at ang
ganda ng umaga mo tapos sila pa makakatabi mo sa mahigit kumulang talong-oras
mong byahe papasok sa trabaho; dyahe yun.
The Lost
Kung
may mga taong sadyang nakakabadtrip at nakakasira ng araw katabi o kasama sa
byahe, may mga nakakaaliw din naman katulad nitong si “Lost Commuter”. Ito yung
mga taong panay ang tingin sa bawat kanto at kalye na nadadaanan ng bus.
Malalaman mong nawawala sila kung panay ang tanong niya sa katabi niya kung
malapit na ba siya sa pupuntahan niya. Madalas sa tabi sila ng driver nakaupo o
kaya naman sa likuran nito, panay ang paalala sa driver na ibaba sa pupuntahan
niya. Ang masaklap ay kahit anong paalala niya, nakalimutan ng driver at
lumagpas na pala siya. Edi lalo naligaw, saklap!
The Rich Man’s Daughter/Son
Sila
naman yung mga pinaglihi sa isang libo. Madalas silang nakakaaway ng mga tsuper
at konduktor sa umaga dahil palage silang walang barya. Oo, umaga palang limang
daan na ang pera nila at wala daw silang barya. Hindi naman sa panghuhusga pero
manghuhusga na ko; minsan naiisip ko sinasadya na nila na di man lang
magpabarya sa gabi bago umalis para makalibreng sakay sa umaga. Madalas kasi
kung walang maipanukli yung tsuper o konduktor, hinahayaan nalang nila at di na
pinagbabayad si “rich man’s daughter/son”. Ayos din sa style, talagang magiging
mayaman ka sa araw-araw mong natititpid na pamasahe sa umaga. Ayos!
The Watchmen
Kung
may mayaman sa pera, may mga magaganda naman at bago ang relo kaya siguro panay
ang tingin sa oras at sila nga ang mga “watchmen”. Dalawa lang naman ang
dahilan kung bakit tingin sila ng tingin sa relo; una, malilate na sila at
tinitignan kung kaya pa ba nila umabot kung tatakbuhin ang kahabaan ng EDSA o
kaya naman pinagmamayabang lang nila ang bago at mamahaling relo. Alin ka sa
dalawang yan?
The Mananakawan
Sila
yung mga tipo ng commuters na kulang nalang pagsigawan na “may iphone ako”,
“may ipad ako”, may “itouch ako” at kung anu-ano pa man. Halos ilabas na nila
lahat ng gadget na meron sila habang
nasa byahe. Madalang ko man sila makasabay pero sa tuwing nakikita ko sila,
gustung-gusto ko sila batukan at sabihin na “wag kang iiyak-iiyak pag nanakaw
yan sayo!” Pakialamera na kung pakialamera, pero nakakairita na kasi e. Haha!
The
Overprotective
Kung
may mga taong mananakawan, may mga overprotective naman na sa sobrang higpit ng
hawak at yakap nila sa bag o gamit nila, halos masira na. Lingon ng lingon,
nagmamatyag sa paligid, at nakikiramdam sa mga katabi; minsan aakalain mong
sila yung magnanakaw at naghahanap lang ng tamang timing para sumigaw na
“holdap to!”
The
Smoke Detector
Sila
yung mga tipo ng tao na galit sa usok, galit sa pabango, at galit sa
mabaho. Panay takip lang sila ng ilong;
awkward sila katabi minsan kasi aakalain mong nangangamoy ka at nababahuan sila
sayo kahit kaliligo mo lang. O baka naman talaga health conscious lang sila at
ayaw pa nila mamatay. Intindihin nalag natin.
The
Hair-Spray
Literal.
Sila yung mga tipo ng commuters na akala mo commercial model ng shampoo. Wala
silang pakialam sa mga tao sa paligid nila lalo na sa katabi nila na halos
kainin na lahat ng buhok nila. Ayoko sila katabi kasi ayoko mag almusal ng
buhok; at sa mga umagang trip ko magtaray nakakatikim sila sakin. Minsan sana
matuto sila pakiramdam sa pakiramdam at sana man lang wag silang feeling
commercial model ng shampoo at conditioner sa isang masikip at siksikan
pampublikong transportasyon.
The
Clown
Hindi
sila masayahin, literal na pang clown lang talaga ang make up nila. Yung tipong
maaga pa, namumutok na sa pula ang labi at pisnge nila na akala mo binugbog ng
sampung tao. At minsan di pa sila nakukuntento, nakuha pang magretouch at
kapalan ang make up habang nasa byahe. Minsan mapapatitig ka sa kanila at
mapapaisip ka kung sila ba ay frustrated make-up artist at mukha pa nila ang
napagdiskitahan.
The
Sickly
Singhot-bahing-ubo
– yan ang hobby nila. Di uso sa kanila ang Vitamin C at minsan nakakatako sila
katabi kasi baka mahawa ka. Pero minsan mas nakakabuting intindihin nalang
natin sila; baka kailangan lang talaga nila pumasok sa school dahil may exam o
sa trabaho dahil may importanteng meeting. Ano man ang dahilan nila, sana
gumaling na sila. Haha!
The Man of Steel
Masyado silang malakas kaya di na
nila nararamdaman ang mga dala-dala nilang gamit. Literal na dala nila yung
buong bahay nila na kapag sinilip mo yung bag nila, kaya nila mabuhay ng isang
buwan sa kalye. Aakalain mo ding naglayas sila sa dami nilang dala; yung tipong
pag uupo sila sa tabi mo, sakop na nila yung buong space at kulang nalang sabihin
sayo na umalis ka sa pwesto mo at ilalagay niya yung bag niya. Hahaha!
Iilan
lang to sa mga nakikita at nakakasabay natin araw-araw papasok sa eskwela o sa
trabaho. Nakakatuwa yung iba, pero may iilan nakakainis na. Pero anuman o
sinuman ang makasabay natin sa kanila, lage natin tandaan na agahan pumasok
para di malate at di abutan ng katakot-takot na trapik. Goodluck sayo!
--END--
Comments
Post a Comment